musicas.mus.br

Letras de músicas - letra de música - letra da música - letras e cifras - letras traduzidas - letra traduzida - lyrics - paroles - lyric - canciones - KAPANGYARIHAN (FEAT. SB19) - BEN&BEN - música e letra

Utilize o abecedário abaixo para abrir as páginas de letras dos artistas

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Kapangyarihan (feat. SB19) letra


akala niyo ba, ang kapangyarihan
ay nasa inyo? sino ba kayo?

'di naman kami nagkulang
sa aming pag-uunawa
'di ka namin isusuka
kung hindi ka pa sukdulan

huwag niyong tapakan
ang katarungan

akala niyo ba, ang kapangyarihan
ay nasa inyo? sino ba kayo?
magwawagi ang katotohanan
ang kadiliman ay ibabagsak

nagsisilbi ka dapat
nagsisilbi ka dapat

'di ba? dapat ikaw ang nagsisilbi sa'min
bakit tila kami'y nananaginip nang gising
ang bawat pighati na dala, dagdag bigat damdamin
pipilitin na pasanin hanggang sa mga mata niyo'y mamulat
magising sa sigaw na sumasalamin sa sumpa niyong magsilbi sa amin
tuluyang nawalan ng bisa

ba't sinaulo't 'di sinapuso bilang ng buhay ng tao
kayong mga hari-harian pagkalaki na ng mga ulo
'wag niyong kalilimutan na hawak-hawak
namin ang inyong trono
nadidinig niyo pa ba 'ko?
pangako'y napako dahil sa korona sa ulo niyo

'di na magpapaalipin pa
sa mga rehas mo
'di mabubuwag ng kahit anumang sindak
ang katotohanang 'to

ibon na malayang lumipad
'di mo na makukulong

akala niyo ba, ang kapangyarihan
ay nasa inyo? sino ba kayo?
magwawagi ang katotohanan
ang kadiliman ay ibabagsak

akala niyo ba, ang kapangyarihan
ay nasa inyo? sino ba kayo?
magwawagi ang katotohanan
ang kadiliman ay ibabagsak

nagsisilbi ka dapat
nagsisilbi ka dapat

katotohanan, ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)
sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)
makatarungan ang dapat mamuno (nagsisilbi ka dapat)
sa namumuno sa mamamayan (nagsisilbi ka dapat)
nagsisilbi ka dapat
nagsisilbi ka dapat

Ben&Ben - Letras

top 30 músicas

©2003 - 2024 - musicas.mus.br